Make your own free website on Tripod.com

 

t h e b i t e
home I email : pol@onecooldude.com

next>>>

Kumander Robot : Palalayain namin ang mga hostages kapalit ng ulo mo!
Erap : Ha ha ha! Sira ulo ka talaga! Wala kayong makukuha sa ulo ko!

Kumander Robot : Kailanman di na kami manininiwala sa lahat ng panukala ng gobyerno dahil naniniwala kami na isa kang MORON!
Erap : Hoy! hindi ako MORON! isa akong sagradong Katoliko

Nasa Batasang Pambansa si Erap nang nakita niya si Ramos na may dalang makapal na libro.
Erap : Ano yang hawak mo, mukhang ang kapal-kapal at napakabigat
FVR : Libro ng Logic ito. Mabigat sa isipan ito, baka hindi mo kaya...
Erap : Kaya ko yan! I-eksplika mo lang sa kin
FVR : O sige! May aquarium ka ba?
Erap : Oo naman
FVR : Ganito kasi yan, pag may aquarium ka, mahilig ka sa isda, pag mahilig ka sa isda, mahilig ka sa tubig, pag mahilig ka sa tubig, mahilig kang lumangoy, pag mahilig kang lumangoy, malaki ang katawan mo, pag malaki ang katawan mo, hindi ka bakla...
Erap : Aaaah....yan pala ang logic...madali lang pala
Pagkatapos, bumili rin si Erap nung libro. Dala niya yung libro nang makita niya si Enrile
Enrile : Ano yan? Mukhang mabigat ah!
Erap : Logic to...Hindi mo kaya to
Enrile : Kaya yan...Sige explain mo sa kin
Erap : O sige...ganito yan...may aquarium ka ba ?
Enrile : Wala...
Erap : Eh di BAKLA KA!!

Tumatakbo si Erap galing computer room na sinusundan ng staff : "Sir, bakit po kayo tumatakbo?"
Erap : Tatakas ako, sabi kasi ng computer "press Ctrl then Escape"
Si Erap nagbibigay ng speech sa kapapatayo pa lang na mental hospital. Lahat ng pasyente sumisigaw ng "Erap pa rin!" May nakita ang bantay ni Erap na hindi sumisigaw.
Guard : bakit ka di sumasabay sa kanila ?
Lalake : di naman ako sira ulo! Janitor ako.

Dinala si Erap sa doktor kasi nagdilim ang paningin.
Bodyguard : Doc, si boss nagdilim ang paningin
Doc : Ihiga ninyo at titignan ko
Erap : Anong nagyayari sa akin doc?
Doc : Eexaminin kita. Okay naman ang blood pressure mo, pulse mo okay din, heart rate mo normal naman. Teka, check ko eyes mo. (inalis ang sunglasses)
Erap : Doc, ang galing mo talaga! Inalis mo lang yung sunglasses ko, nagliwanag na paningin ko

Nagkonsulta si Erap sa kanyang spiritual adviser
Erap : Bro. Mike, pwede pa bang i-save yung mga prostitutes ?
Bro. Mike : Oo naman
Erap : Sige, i-save mo naman ako ng isa para sa Sabado night.

Sa emergency room
Erap : Doc! i swallowed a bone !
Doc : Are you choking ? (joking)
Erap : No, I'm serious

Q : Bakit inaalis ni Erap ang damit niya pag kukukuha ng exams?
A : kasi sabi sa questionnaire, "Answer in brief"

Galit na galit na sinermonan ni Erap yung hardinero nila
Erap : di ba sabi ko sa'yo diligan mo yung mga halaman
Hardinero : Sir, sinabi niyo nga po pero umuulan po kasi eh
Erap : Problema ba yun? Eh di mag payong ka!